Ipinapabatid po ng pamunuan ng NEECO 1 na simula August 31 hanggang September 2, 2020 ay muli po babalik ang meter reading sa mga lugar na hindi pa nabasa ang nakonsumong kuryente sa takdang oras para sa buwan ng Hulyo, dahil sa pansamantalang paghinto ng operasyon ng NEECO1 simula noong Agosto 17,2020 dahil sa pandemyang Covid-19.
Dahil dito asahan po na maaaring tumaas ang mga konsumo ng mga barangay na hindi pa nabigyan ng bill para sa buwan ng Hulyo dahil sa paghaba ng araw na nasakop ng inyong mga konsumo (billing period). Ang mga sumusunod na barangay ang maaaring maapektuhan ng nasabing paghaba ng "billing period":
Gapan City
-Sto. Cristo Sur, Sto. Cristo Norte, Malimba, Baluarte, Bayanihan, Tagulod/Candaba, Parcutela, Marelo, Bulihan, Punot, Ilang-ilang, Bulak
San Isidro
-Poblacion, Alua, San Roque, Sto.Cristo, Calaba, Tabon, Mangga, Pulo
San Antonio
-Papaya, Sto. Cristo, Luyos, San Francisco, Lawang Kupang, Sta. Barbara, Cama Juan/Compra, Panabingan, Batitang, Zaragoza
Makakaasa po ang ating mga consumers na napapabilang sa mga "lifeliners" na atin po ibibigay ang kaukulang subsidiya para sa kanilang konsumo na naaayon sa itinakdang billing period.
Karagdagan, hindi din muna makakapagbigay ng Statement of Account (SOA) ang mga meter readers para maiwasan ang direct contact para sa kaligtasan na din ng mga MCOs at ng meter readers. Maaari nyo po iview ang inyong bill sa pamamagitan ng ating online billing inquiry "
cloud.neeco1.com". Maraming salamat po.