Mga Kadalasang Katanungan (Frequently Asked Questions)
1.Bakit mga konsyumer lamang na tinaguriang “lifeliners” ang maaaring hindi maputulan kung hindi makakabayad base sa ERC Advisory na ito?
- Dahil ito ang nakasaad sa balangkas ng mga alituntuning ipapatupad base sa Energy Regulatory Commission na nakakasakop sa mga distribution utilities kagaya ng NEECO 1.
2. Bakit hanggang konsumong 60 kWh kada buwan lamang ang maaaring hindi maputulan ng serbisyo ng kuryente ng NEECO 1 sa panahong ipapatupad ang patakaran ng ERC Advisory ng
Oktubre 29, 2020?
- Dahil ayon sa pagtutuos ng ERC, ang hangganan ay dalawang beses na bilang ng kilowatt-hour (kWH) na konsumo kada buwan ng maximum lifeline consumption level na itinakda para sa NEECO 1. Ang maximum lifeline consumption level na aprubado ng ERC para sa NEECO 1 ay 30 kWh na konsumo kada buwan.
3. Bakit may nakikita o nababasa kami sa balita na ang threshold o hangganan nang maaaring hindi putulan ay hanggang 200 kWh na konsumo kada buwan?
- Ang inyong nakikita o nababasa na balita sa telibisyon, diyaryo, o social media ay para sa mga lifeline consumers ng isang private distribution utility. Magkaiba ang lifeline consumption level ng private distribution
utility na ito at ng NEECO 1 maging ang sa 120 pa na electric cooperatives.
4. Kailan ipapatupad ng NEECO 1 ang bagong patakaran sa putulan?
- Ito ay ipapatupad simula Oktubre 30, 2020 hanggang Disyembre, 2020.
5. Ano ang mga billing periods na makakasama sa bagong patakarang ito?
- Para sa NEECO 1, ito ang mga billing periods ng Agosto, Setyembre, Oktubre, at Nobyembre na siningil o sisingilin mula Setyembre hanggang Disyembre ng taong ito.
6. Bakit hindi ipapatupad ng NEECO 1 ang 30 araw na palugit bago ang pagputol ng serbisyo ng kuryente sa mga hindi makakabayad?
- Ayon sa anunsiyo ng Energy Regulatory Commission (ERC) noong Oktubre 29, 2020, ipapatupad lamang ang palugit na 30 araw sa mga lugar na napasailalim sa ECQ at MECQ sa mga buwan na nasasaklaw ng
patakarang ito. Ang Nuweba Esiha ay hindi kasama sa mga lugar na ito.