News and Events

ANO ANG MANUAL LOAD DROPPING (MLD)?

𝗔𝗡𝗢 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗨𝗔𝗟 𝗟𝗢𝗔𝗗 𝗗𝗥𝗢𝗣𝗣𝗜𝗡𝗚 (𝗠𝗟𝗗)?

Ang Manual Load Dropping (MLD) o rotational brownout ay ang proseso kung saan idini-distribute ang limitadong supply ng kuryente sa iba’t ibang lugar at consumers.

Dahil dito, may ilang mga lugar ang makakaranas ng pansamantalang brownout. Tinawag itong rotational brownout dahil may takdang oras kung kailan mawawala at mababalik ang kuryente sa isang lugar.
Ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay ang nag aabiso sa mga distribution utilities at electric cooperatives ng kakulangan sa supply ng kuryente. Ang NGCP din ang nagsasagawa ng tamang alokasyon ng supply para sa mga electric cooperatives.

Base sa alokasyon na binigay ng NGCP, ang mga electric cooperatives ay gumagawa ng rotating brownout schedule upang masiguro na ang system ay mapapanatiling stable sa kabila ng limitadong supply.

𝐇𝐮𝐦𝐢𝐡𝐢𝐧𝐠𝐢 𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐮𝐧𝐚𝐰𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐍𝐄𝐄𝐂𝐎 𝟏 𝐧𝐚 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐥𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐚𝐲𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐫𝐚𝐧𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐌𝐚𝐧𝐮𝐚𝐥 𝐋𝐨𝐚𝐝 𝐃𝐫𝐨𝐩𝐩𝐢𝐧𝐠 𝐬𝐚 𝐨𝐫𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧. 𝐊𝐚𝐡𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐠 𝐢𝐛𝐚𝐧𝐠 𝐞𝐥𝐞𝐜𝐭𝐫𝐢𝐜 𝐜𝐨𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞𝐬/𝐝𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐛𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐮𝐭𝐢𝐭𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬/𝐞𝐥𝐞𝐜𝐭𝐫𝐢𝐜 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐚𝐧𝐢𝐞𝐬/𝐩𝐫𝐢𝐯𝐚𝐭𝐞 𝐩𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐝𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐛𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐮𝐭𝐢𝐥𝐢𝐭𝐢𝐞𝐬 𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐬𝐚 𝐋𝐮𝐳𝐨𝐧 𝐚𝐲 𝐚𝐩𝐞𝐤𝐭𝐚𝐝𝐨 𝐝𝐢𝐧 𝐧𝐠 𝐫𝐨𝐭𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧𝐚𝐥 𝐩𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐢𝐧𝐭𝐞𝐫𝐫𝐮𝐩𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐧𝐚 𝐢𝐭𝐨 𝐝𝐚𝐡𝐢𝐥 𝐬𝐚 𝐧𝐮𝐦𝐢𝐧𝐢𝐩𝐢𝐬 𝐧𝐚 𝐬𝐮𝐩𝐩𝐥𝐲 𝐧𝐠 𝐤𝐮𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞.

Salamat po sa inyong pag-unawa.

 

 

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs