Ang NEECO 1 ay pipili ng isang (1) estudyante sa bawat pampublikong mataas na paaralan sa mga lugar na sineserbisyuhan nito.
Tingnan sa ibaba ang litrato para sa listahan ng mga paaralang kabahagi sa programa:
>>> Ang mga sumusunod ay maaaring mag-apply sa NEECO 1 Financial Assistance Program:
- Ikaw ay Grade 11 Student sa isa sa mga Senior Highschool na nakalista
- May kasalukuyang gradong 85 pataas at walang gradong mas mababa sa 80% noong nakalipas na school year 2020 - 2021 (Grade 10)
- Ang taunang kinikita ng pamilya ay hindi lalagpas sa PHP 200,000.00 at may patunay mula sa BIR o CSWD; o kakailanganin ng certificate of indigency mula sa inyong Barangay
- Dapat ay residente ka ng Gapan City, Jaen, San Antonio, Cabiao, San Isidro, Brgy Batitang, Zaragoza, o Brgy. Tagulod, Candaba, Pampanga.
>>> Mga dokumentong (requirements) dapat ipasa sa class adviser hanggang Oktubre 1, 2021 para sa screening process.
- Letter of Intent na may lagda ng estudyante at magulang, na inindorso ng class adviser
- Card/permanent record
- PSA/NSO Birth Certificate
- 2x2 picture
- Location map ng iyong tirahan
- NEECO 1 Electric Bill ng iyong tirahan
- Certificate of indigency mula sa CSWD o Barangay
- 500 word-essay tungkol sa "Why do you want to be a NEECO 1 Scholar?"
>>> Malalaman ang resulta ng initial screening sa Oktubre 5, 2021.
>>> Ang mga mapipili sa initial screening ay kukuha ng pagsusulit sa Oktubre 8, 2021, 1:00PM - 2:00PM.
>>> Ang anunsiyo para sa mga mapipiling NEECO 1 Scholars ay matatanggap ng Schools Division Office ng Gapan City at Sta. Rosa, NE.