News and Events

NEECO 1 KAALAMAN: SECTIONALIZER

Ang sectionalizer ay bahagi ng electric distribution system na makikita sa distribution pole. Ito ay protective device na naghihiwalay ng partikular na linya na kinakailangang patayin o i-unenergize muna kung may kukumpunihin.
May mga pagkakataon naman na ang sectionalizer ay nagsho-short o nasisira na maaaringdahil sa high current, pagtama ng kidlat, o pagdapo ng ibon. Kapag ito ay nasira, nagiging sanhi ito ng power interruption o hindi inaasahang pagkaantala ng serbisyo ng kuryente na tatagal ng 30 minuto bago maisaayos kung mayroon ng materyales na nakahandang ipalit.
I-share ang post na ito para maipaalam din sa ibang member-consumer-owners ang impormasyong ito dahil gaya ng ng sabi nila "sakalam ang may alam!" #NEECO1KAALAMAN #sakalamangmayalam
 
 
 
 
 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs