MAAARI NA RIN MAGBAYAD GAMIT ANG PAYMAYA
Narito ang paraan ng pagbabayad ng electric bill gamit ang PayMaya:
1. I-download ang PayMaya app sa inyong mobile phone.
2. Mag log-in sa iyong PayMaya account.
3. Siguraduhing may laman ang inyong PayMaya wallet bago piliin ang "Bills."
4. Piliin ang Electric Utility.
5. Hanapin ang NEECO 1
6. I-enter ang account number, amount, at account name.
7. I-check muli bago i-confirm ang inyong payment.
8. Makakatanggap ng kumpirmasyon para sa iyong pagbabayad.
9. Matapos maproseso ay makakatanggap na COMPLETED na ang iyong electric bill payment
10.Mapo-post ang inyong ibinayad sa NEECO 1 kinabukasan pero ang date of payment na lilitaw ay kung kailan aktwal na pagkakabayad.
** Tandaan lamang na ang tatanggapin lamang ng system ng PayMaya ay ang electric bill na isang buwan lamang at hindi pa lumalampas sa due date.