𝐓𝐈𝐍𝐆𝐍𝐀𝐍: Basahin at unawain ang mahahalagang impormasyon tungkol sa 𝐭𝐨𝐭𝐚𝐥 𝐞𝐟𝐟𝐞𝐜𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐫𝐞𝐬𝐢𝐝𝐞𝐧𝐭𝐢𝐚𝐥 𝐫𝐚𝐭𝐞 na 𝐏𝐇𝐏 𝟏𝟔.𝟑𝟔𝟕𝟑/𝐤𝐖𝐡 para sa kuryente na nakonsumo sa buwan ng Hulyo na sisingilin sa buwan ng Agosto, 2022.
Sa pamamagitan ng infographics sa post na ito, makikita ang iba’t ibang bahagi ng bayarin kung saan binibigyang diin na ang malaking nakaapekto sa pagtaas ng singil sa kuryente ay ang 𝐠𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐜𝐡𝐚𝐫𝐠𝐞 na ating ibinabayad sa 𝐆𝐍𝐏𝐨𝐰𝐞𝐫. Ito ay patuloy na tumataas dahil sa pagtaas din ng halaga ng coal.
Kung maaari lamang ay i-tap o i-zoom ang infographics gamit ang screen ng inyong mobile phone o computer upang masuri nang mabuti ang bawat paliwanag at bahagi nito.
Kung susuriin, umabot sa halos na 𝐏𝐇𝐏 𝟏𝟐.𝟎𝟎 𝐩𝐞𝐫 𝐤𝐖𝐡 ang 𝐠𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐜𝐡𝐚𝐫𝐠𝐞 + 𝐕𝐀𝐓 (𝐨𝐧 𝐠𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧) na sumasaklaw sa 72.34% ng kabuuang bayarin. Samantala, nanatiling pareho pa rin ang 𝐏𝐇𝐏 𝟏.𝟗𝟎𝟏𝟑 𝐩𝐞𝐫 𝐤𝐖𝐡 na 𝐝𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐛𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐬𝐮𝐩𝐩𝐥𝐲, 𝐚𝐭 𝐦𝐞𝐭𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 (𝐃𝐒𝐌) 𝐜𝐡𝐚𝐫𝐠𝐞𝐬 na naiiwan sa NEECO 1 para sa 𝐨𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐭 𝐠𝐞𝐧𝐞𝐫𝐚𝐥/ 𝐚𝐝𝐦𝐢𝐧𝐢𝐬𝐭𝐫𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐞𝐱𝐩𝐞𝐧𝐬𝐞𝐬 nito simula 𝟐𝟎𝟎𝟗. 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐢𝐭𝐨 𝐦𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐢𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐚𝐥𝐢𝐧𝐬𝐮𝐧𝐨𝐝 𝐬𝐚 𝐄𝐧𝐞𝐫𝐠𝐲 𝐑𝐞𝐠𝐮𝐥𝐚𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 (𝐄𝐑𝐂) 𝐑𝐞𝐬𝐨𝐥𝐮𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐍𝐨. 𝐬. 𝟐𝟎𝟎𝟗. Ang NEECO 1 ay taga-singil lamang ng mga bayarin sa GNPower, National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at iba pang sangay ng gobyerno.
Narito ang iba’t ibang bahagi ng ating bayarin at ang katumbas na halaga para sa ating bayarin sa buwan ng Agosto 2022:
𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄 + 𝐕𝐀𝐓 :
- Napupunta sa GNPOWER kung saan tayo bimibili ng kuryente
- Nagkakahalaga ng 𝐏𝐇𝐏 𝟏𝟏.𝟖𝟑𝟗𝟗/𝐤𝐖𝐡
𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐘𝐒𝐓𝐄𝐌 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄:
- Napupunta sa NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES para sa paggamit ng transmission lines nito.
- Nagkakahalaga ng 𝐏𝐇𝐏 𝟎.𝟖𝟕𝟗𝟔/𝐤𝐖𝐡
𝐒𝐘𝐒𝐓𝐄𝐌 𝐋𝐎𝐒𝐒 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄:
- Nawawalang kuryente na teknikal o gawa ng tao na NEECO 1 at mga konsyumer ang pumapasan.
- Nagkakahalaga ng 𝐏𝐇𝐏 𝟏.𝟏𝟗𝟓𝟔/𝐤𝐖𝐡
𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐋𝐘, 𝐀𝐍𝐃 𝐌𝐄𝐓𝐄𝐑𝐈𝐍𝐆 (𝐃𝐒𝐌) 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄𝐒
- Ito lamang ang halaga na napupunta sa NEECO 1 para sa operating o general/administrative expenses nito.
- Narito ang kabuuan ng DSM charges:
𝐏𝐇𝐏 𝟎.𝟓𝟕𝟖𝟐/𝐤𝐖𝐡 para sa distribution system charge
𝐏𝐇𝐏 𝟎.𝟔𝟎𝟎𝟏/𝐤𝐖𝐡 para sa supply system charge
𝐏𝐇𝐏 𝟎.𝟒𝟑𝟐𝟔/𝐤𝐖𝐡 para sa metering supply charge
𝐏𝐇𝐏 𝟎.𝟐𝟗𝟎𝟒/𝐤𝐖𝐡 para sa reinvestment fund for sustainable capital expenditure.
𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄𝐒:
- Mga subsidiya at iba pang singilin ng gobyerno kagaya ng:
𝐏𝐇𝐏 𝟎.𝟎𝟐𝟎𝟐/𝐤𝐖𝐡 para sa lifeline subsidy discount
𝐏𝐇𝐏 𝟎.𝟐𝟗𝟕𝟐/𝐤𝐖𝐡 para sa universal charges.
𝐕𝐀𝐋𝐔𝐄-𝐀𝐃𝐃𝐄𝐃 𝐓𝐀𝐗 (𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐬𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 𝐥𝐨𝐬𝐬 𝐚𝐭 𝐭𝐫𝐚𝐧𝐬𝐦𝐢𝐬𝐬𝐢𝐨𝐧 𝐬𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 𝐜𝐡𝐚𝐫𝐠𝐞)
- Binabayarang buwis sa gobyerno para sa transmission system at system loss charges.
- Nagkakahalaga ng 𝐏𝐇𝐏 𝟎.𝟐𝟑𝟑𝟓/𝐤𝐖𝐡.