𝗣𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗻𝗴 𝗰𝗼𝗮𝗹 – Ito ang pangunahing dahilan ng mas mababang halaga ng ating kuryente ngayon. Dahil ito ang ginagamit sa paglikha ng enerhiyang isinusuplay sa atin ng GN Power, ang pinakamalaking bahagi ng ating bayarin (generation charge) ay dito napupunta kung kaya’t malaki ang nagiging epekto nito sa electricity bills ng mga member-consumer-owners ng pagbaba o pagtaas nito.
𝗠𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗙𝗼𝗿𝗲𝘅 𝗘𝘅𝗰𝗵𝗮𝗻𝗴𝗲 (𝗙𝗢𝗥𝗘𝗫) – Nitong mga nakaraang buwan ay naging mas maganda rin ang palitan ng piso kontra dolyar na nagdulot rin ng magandang resulta sa ating effective rate.
𝗠𝗮𝗮𝘆𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝘁𝗿𝗮𝗱𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗡𝗘𝗘𝗖𝗢 𝟭 𝗮𝘁 𝗪𝗵𝗼𝗹𝗲𝘀𝗮𝗹𝗲 𝗘𝗹𝗲𝗰𝘁𝗿𝗶𝗰𝗶𝘁𝘆 𝗦𝗽𝗼𝘁 𝗠𝗮𝗿𝗸𝗲𝘁 (𝗪𝗘𝗦𝗠) – ang maayos na pagtutok ng NEECO 1 sa aspeto ng energy trading nito sa WESM ay nagresulta sa mas mababang rates na ating binayaran na nakatulong upang bumaba ang halaga ng ating bayarin.
𝗗𝗶𝘀𝗰𝗼𝘂𝗻𝘁 𝗔𝗱𝗷𝘂𝘀𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗻𝗴 𝗚𝗡 𝗣𝗼𝘄𝗲𝗿 – Sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng NEECO 1 sa supplier nito na GN Power ay naipatupad ang isang diskuwento na tinatawag na Fuel Import Duty Adjustment (FIDA) na unti-unting naramdaman sa ating mga bayarin noong mga nakaraang buwan.
𝗠𝗮𝗮𝘆𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗡𝗘𝗘𝗖𝗢 𝟭- Hindi man agarang bumaba ang halaga ng kuryente, pinagsumikapan pa rin ng NEECO 1 na ito ay maisakatuparan dahil sa malasakit, dedikasyon, at tuwid na pamamahala ng pangasiwaan sa tulong ng Multi-Sectoral Executive Council (MSEC).