Ang NEECO 1, kasama ang 121 electric cooperatives sa bansa ay nagdaos ngayon ng simultaneous Tree Planting Activity at Line Clearing Activity bilang bahagi sa paggunita ng ika-14 National Electrification Awareness Month.
Pinangunahan ng NEECO 1 Board of Directors ang pagbubukas para sa mga isinagawang aktibidad ngayong araw. Ang mga kawani ng NEECO 1 ay nagtulong-tulong kasama ang mga miyembro ng Member-Consumer-Owners Organization (MCOO) ng Brgy. Malapit, San Isidro para sa tree planting activity, kung saan nakapagtala ngayon ang kooperatiba ng halos 160 seedlings na naitanim. Kabilang sa mga seedlings na ito ay mga puno ng avocado, mangga, santol, red atis, narra, mahogany, lemon, rambutan, kalamansi, malberry, at guapple.
Nagpapasalamat ang NEECO 1 sa aktibong partisipasyon at patuloy na pakikilahok ng mga miyembro ng MCOOs sa mga munting gawain ng kooperatiba. Nagpapasalamat din ang kooperatiba kay Atty. Ferdinand R. Abesamis, Executive Assistant V of the Office of the Governor para sa mga naipamahaging donasyon ng seedlings para sa aktibidad na ito.
Pinangunahan naman ng Technical Services Department at mga lineworkers ang Line Clearing Activity na ang layunin ay pagpupulak ng mga naghahabaang sanga ng mga puno na malapit nang dumikit sa mga linya ng kuryente. Mahalaga ang line clearing activity upang maiwasan ang mga unwanted power interruptions dahil isa sa karaniwang sanhi ng pagkaantala ng daloy ng kuryente ay ang pagsayad ng mga sanga ng puno sa ating mga linya.
#neam2023
#NEAat54
#NEECO1supportsNEAM2023