Isinagawa ngayong araw ang bagong pamamaraan ng NEECO 1 sa programa nitong Resibonanza: Papremyo sa Resibo na kung saan sinorpresa ng mga kawani ng Institutional Services Department (ISD) ang mga konsyumers na nagbabayad sa NEECO 1 district office ng Gapan City.
Sa pangunguna ni Board of Director Rodel Matias at District Chief Gilbert De Guzman, ay nakapagbola ang NEECO 1 gamit ang electronic raffle na inihanda nito para sa programa. Ang mga napili sa mga masuswerteng konsyumers na nagbabayad lamang ng kanilang electric bill ay tumanggap ng tig-iisang 25kg na sako ng bigas.
Anim (6) na konsyumers ang napili sa ginawang electronic raffle para sa Lungsod ng Gapan, at inaaasahang sosorpresahin din ng mga kawani ng ISD ang ibang District Offices sa mga bayang nasasakupan ng serbisyo ng NEECO 1.