Ayon sa Section 2, Paragraph (C) (E) at ng Section 7 ng Anti- Electricity Act o Republic Act 7832, may pananagutan sa batas ang sinumang tao na mag-tamper, mag-i-install o gagamit ng tampered electrical meter, jumper, reversed transformer, shorting o shunting wire, loop connection o anumang iba pang aparato na nakakasagabal sa maayos o tumpak na pagrerehistro ng nakonsumong kuryente sa kuntador o nagreresulta sa paglihis nito sa paraan kung saan ang kuryente ay nananakaw o nasasayang.
Ang lalabag sa RA 7832 ay maaaring maparusahan ng hanggang 12 taon na pagkaka- kulong at mag- pyansa ng halagang aabot ng PHP 20,000.00.