News and Events

BAKIT NAGIGING MADALAS ANG BLACKOUT TUWING GABI?

1. DAHIL SA SOBRANG INIT

Ilang araw nang naitatala na isa ang Nuweba Esiha sa may pinakamatataas na heat index o pinagsamang temperatura at nararamdamang alinsangan sa buong bansa.

 

2. EPEKTO NG MATINDING INIT SA PANAHON NG ENHANCED COMMUNITY QUARANTINE (ECQ)

Dahil mas marami ang miyembro ng pamilya na nananatili sa kani-kanilang mga tahanan ngayong panahon ng Enhanced Community Quarantine, tumaas, dumalas, at naging mas mahaba ang paggamit ng mga home appliances na panlaban sa init kagaya ng electric fan at air conditioning unit.

 

3. EPEKTO NG MATINDING INIT SA LINYA NG KURYENTE

Napupuwersa ang ilang kagamitang pang-kuryente gaya ng distribution transformer, wire, at post insulator sa maraming lugar kaya't nagiging madalas ang hindi inaasahang pagkaantala ng serbisyo ng kuryente o power blackout.

 

4. RAMDAM DIN SA SOCIAL MEDIA ANG INIT

Ang suliraning ito na nakakaapekto sa serbisyo ng kuryente hindi lamang sa NEECO 1 kung hindi sa ibang mga distribution utility ay nangyayari din sa ibang lugar sa bansa.

 

5. DAGDAG NA PAALALA

Ang burador o saranggola ay maaaring maging sanhi ng power blackout. Ito ay lubha ding delikado kapag nadikit sa ating linya ng kuryente. Ibayong pag-iingat ang kailangan.

 

6. PATULOY NA SERBISYO SA GITNA NG KRISIS

Mahirap man ay patuloy kaming tutupad sa tungkulin upang gawing maayos ang sebisyo ng kuryente. Maraming salamat po sa inyong malawak na pang-unawa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs