News and Events

Pagbabago ng Billing Period at Reading Schedule para sa ilang mga Bayan na nasasakupan ng NEECO1

Nais pong ipaalam ng pamunuan ng NEECO1 na dahil sa pagbabago ng billing period para sa ilang lugar na nasasakupan nito, magkakaroon din ng paggalaw sa reading schedule kasabay ng paghaba ng billing period sa ibang bayan at barangay para sa konsumo ng kuryente ngayong buwan ng Agosto.

Matatandaang nagkaroon ng ganitong pagbabago dahil sa pansamantalang tigil-operasyon ng NEECO1 noong Agosto 17 - 28 dahil sa pandemyang Covid19. Asahan po na maaaring tumaas ang ACTUAL READING ng mga konsumo ng kuryente sa ilang lugar na ito para sa buwan ng Agosto dahil sa paghaba ng araw na nasakop ng billing period.

 

  • GAPAN CITY San Vicente, San Lorenzo, Mangino, Pambuan, Sta. Cruz, Maburak, Baluarte, Kapalangan
  • JAEN Buong Bayan ng Jaen (Lahat ng Barangay)
  • CABIAO Buong Bayan ng Cabiao (Lahat ng Barangay)

 

Karagdagan, hindi din po muna makakapagbigay ng Statement of Account (SOA) ang ating mga meter readers para maiwasan muna ang direct contact para sa kaligtasan nadin po ng mga MCOs at ng meter readers. Maaari nyo po i-view ang inyong bill sa ating online billing inquiry gamit ang URL na "cloud.neeco1.com".

Maraming salamat po.

 

 

 

 

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs