News and Events

Shoes and Bags Caravan 2024 | Cabiao

TINGNAN | Sinisimulan na muli ng NEECO I ang taunang Shoes and Bags Caravan bilang bahagi ng CSR o Corporate Social Responsibility ng kooperatiba.

Isa ito sa mga aktibidad kung saan nais ng NEECO I na makapagbalik ng tulong sa mga member-consumers bilang isang kooperatiba at dahil nga diyan ay nauna nang magpamahagi ng mga bags at sapatos kahapon, September 12, 2024 sa paaralang pang-elementarya ng Brgy. Entablado at Polilio sa bayan ng Cabiao.

Pinangunahan tayo ni Board of Director Rodel Toledo, kasama ang team mula sa Institutional Services Department para sa naturang aktibidad. Magtutuloy ang shoes and bags caravan mula sa araw na ito hanggang sa mga susunod pang linggo para sa mga mag-aaral ng public elemetary schools na nasasaklawan ng serbisyo ng NEECO I.

 

 

 

 

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs