News and Events

Typhoon #UlyssesPH

Typhoon #UlyssesPH

Narito po ang ilan sa mga larawang nagpapakita ng laki ng pinsalang iniwan ng bagyong #UlyssesPH sa franchise area ng NEECO 1.
Maraming electric poles ang nagupo at mga linya ng kuryente na nalagot. Ang sitwasyong ito ay pare-parehong naitala sa siyudad ng Gapan, mga bayan ng Jaen, San Antonio, San Isidro, at Cabiao.
Ang atin pong mga barangay na pinaglilingkuran ay umaabot sa 96 kasama ang Brgy, Batitang, Zaragoza at Brgy, Tagulod, Candaba, Pampanga.
Sa laki ng ating pagawain, hindi po kakayanin na mapag-ilaw nang sabay-sabay ang 96 na barangay kung kaya't nauna po ang mga nasa backbone lines ng NEECO 1. Makakaasa naman po kayo na patuloy ang ating pagsasaayos.
 
Muli po, humihingi ang NEECO 1 ng dagdag na pang-unawa at nagpapasalamat sa inyong pakikiisa.

Ipanalangin po natin ang kaligtasan ng ating mga line workers. #NEECO1

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs