News and Events

Paunawa Para Sa Mga Member-Consumer-Owners ng NEECO 1 Tungkol sa Bagong Patakaran ng Putulan Ayon sa Anunsiyo ng Department of Energy (DOE)

 1. Noong Pebrero 3, 2021, nag-sumite ng panukala ang Department of Energy sa Gabinete tungkol sa layunin na ipagpatuloy ang pag-agapay sa mga konsyumer ng kuryente na nasa "laylayan ng lipunan."
 
2. Ang panakula ay sinang-ayunan ng Gabinete kung kaya't ang lahat ng distribution utility ay inaatasan ng Department of Energy na magpatupad ng NO DISCONNECTION POLICY para sa mga konyumer walang kakayahang magbayad ng nakonsumong kuryente sa buwan ng Pebrero, 2021 at ang due date ay papasok sa buwan ng Marso 2021.
 
2.A. Ang makakasama lamang sa NO DISCONNECTION POLICY o WALANG PUTULAN ay ang mga konsyumer na ang buwanang konsumo ng kuryente ay napapasama sa "lifeline rate" na itinalaga ng Energy Regulatory Commission (ERC).
 
2.B. Ang "lifeline rate" ay iba-iba depende sa pagtitiyak ng ERC. Para sa NEECO 1, ang "lifeline rate consumers" ay ang mga konsyumer na ang buwanang konsumo ay 30-kilowatt-hour pababa lamang.
 
3. Samantala hinihikayat ng Department of Energy at ng NEECO 1 ang pakikiisa ng mga konsyumer na may kakayahan naman na magbayad bago dumating o sa tamang oras na ipagpatuloy lamang ang magandang gawain upang mapanatili ang maayos na estadong pampinansiyal ng kooperatiba.
 
4. Para sa iba pang mga member-consumer-owners na dumaranas ng suliranin sa pagbabayad, maaring sumangguni sa mga District Offices ng NEECO 1 para sa nararapat na pag-uusap at kasunduan.
 
5. Ang mahalagang impormasyong ito ay responsibilidad ng NEECO 1 na ipalaganap sa lahat ng pamamaraan na mayroon ito para sa kapakanan ng mga member-consumer-owners nito.
 
 
 
 
 
 
 
 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs