News and Events

Pre-Membership Seminar (PMS) ng NEECO 1, Maaari Nang Daluhan Via Online


Simula Marso 5, 2021 (Biyernes) ng 2:00 hanggang 3:00 ng hapon ay ilulunsad ng NEECO 1 ang Online Pre-Membership Seminar gamit ang Zoom virtual meeting para sa mga nagnanais na maging member-consumer-owner ng NEECO 1 ngunit walang sapat na oras at mas pinipili ang online o virtual platform.

Narito ang ilan sa mga dapat tandaan:


1. Kinakakailangan sa Online Pre-Membership Seminar ng NEECO 1 ang Zoom application. Gamit ang internet, maaari itong ma-download ng libre sa inyong mobile phone, computer desktop o computer laptop.


2. Regular nang gaganapin ang Online Pre-Membership Seminar ng NEECO 1 tuwing Biyernes (2:00 hanggang 3:00 ng hapon.)


3. Ang Zoom meeting ID para sa Online PMS ay ipo-post sa NEECO 1 Facebook Page sa umaga ng araw ng Online PMS.


4. Para maayos na maitala sa computer system ng NEECO 1 ang inyong pagdalo sa Online PMS, i-set ang username sa ganitong format: PANGALAN_BAYAN_BARANGAY
Halimbawa: JUAN DELA CRUZ_MALAPIT_SAN ISIDRO


5. Siguraduhing walang abala at antala sa pakikinig at pag-unawa sa mga paksa ng Online PMS para maging matagumpay para sa'yo at sa NEECO 1 ang isasagawang pag-aaral.

 

 

 

 

 

 

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs