TINGNAN: Ang insulator ay bahagi ng pasilidad ng ating kooperatiba na kapag nasira ay magreresulta sa pagkaantala ng serbisyo ng kuryente o kung tawagin ay "blackout". At ayaw nating lahat ang blackout, kaya nandito ang mga kawani ng NEECO 1 ay upang tugunan ang anumang pangangailangan na ayusin sa ating linya.
Ngunit paano nga ba biglaang nasisira ito gayong nasa itaas naman ito ng poste? Ang kasagutan po ay dahil sa mga maliliit na hayop na gaya ng ibon, daga, paniki, at iba pa na kapag dumapo o nadantay sa insulator ay maaaring "ma-ground" at ito ay likas na katangian ng kuryente upang maiwasan ang biglang pagbugso ng boltahe nito at humantong sa mas malaking pinsala. Kapareho din ang nangyayari kapag sumasayad ang mga sanga ng puno sa ating mga kawad.
Kaya sa susunod na makakabasa tayo na may biglaang blackout, maaari pong ang dahilan nito ay ang maaaring isa pero hindi limitado sa mga nabanggit. #NEECO1Kaalaman