UNAWAIN: Paano nakakarating ang kuryente sa mga tahanan?
1. Ang unang bahagi ng proseso ay ang paglikha ng kuryente ng generation company na ka-kontrata ng NEECO 1, ito ay ang GN POWER. Kung ang kuryente ang produkto, ang GN POWER ang ang binibilhan ng NEECO1.
2. Ang ikalawang bahagi ng proseso ay ang paghatid ng kuryente mula sa GN POWER papunta sa NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES (NGCP) gamit ang mga transmission lines nito. Ito ay maihahalintulad sa express way kung saan dadaan muna ang kuryente mula sa supplier patungo sa NEECO 1.
3. Ang ikatlong bahagi ng proseso ay ang pagpapamahagi ng NEECO 1 ng kuryente sa mga tahanan gamit ang mga distribution lines nito. Kasama din sa pasilidad ng NEECO 1 ang transformer, kuntador, at mga kawad kung saan tumatawid ang kuryente.
4. Mula sa kuryente na nilikha ng ng GN POWER na inihatid ng NGCP papunta sa NEECO 1, ganito ang prosesong pinagdadaanan ng kuryente na ginagamit ng mga member-consumer-owners sa mga tahanan. Ang bawat bahagi ng prosesong ay nakakaapekto sa serbisyo ng kuryente. Hindi lamang ang NEECO1. #NEECO1Kaalaman