News and Events

PAANYAYA PARA SA MGA MCOS: Magpatala, Makilahok, at Manalo!

PAANYAYA PARA SA MGA MCOS: Magpatala, Makilahok, at Manalo!

Inaanyayahan ng NEECO 1 ang lahat ng member- consumer-owners sa gaganapin nitong State of NEECO 1 Address (SONA) na mapapanood ng live sa opisyal na Facebook page nito sa Setyembre 30, 2021 (Huwebes) simula 8:00 ng umaga.

Narito ang mga paraan para makasali:

1. Bago ang lahat, huwag kalimutan na i-like at i-share ang post na ito gamit ang hashtag na #neeco1sona2021
2. Abangan ang simula ng FB live broadcast ng NEECO 1 sa opisyal na Facebook page nito na @neeco1official sa Setyembre 30, 2021 (Huwebes) sa ganap na 8:00 ng umaga.
3. Sa nasabing FB live ay ibibigay sa mismong araw ng Setyembre 30, 2021 ang opisyal na registration code para makilahok sa State of NEECO 1 Address (SONA.)
4. Kapag nakuha na ang registration code, mag-message lamang sa NEECO 1 official Facebook page at i-enter ito para makapagpatala. Kakailanganin dito ang inyong ten-digit NEECO 1 account number na makikita sa inyong statement of account (SOA) at ang inyong active cell phone number.
5. Tumutok at makinig sa State of NEECO 1 Address (SONA) at abangan ang pagsisimula ng grand raffle na hudyat din ng pagtatapos ng registration.
6. Ang mga mapalad na mananalo ay maaaring magkamit ng isa sa mga espesyal na pa-premyo.

>>>CASH PRIZES:

  •  12 ang mananalo ng PHP 10,000 (worth of PHP 5,000 na cash + voucher na nagkakahalaga ng PHP 5,000 na magagamit na pambayad sa konsumong kuryente.)
  •  12 ang mananalo ng PHP 5,000 na cash.
  •  12 ang mananalo ng PHP 3,000 na cash.
  •  12 ang mananalo ng PHP 2,000 na cash.

Ang pipiliin na mananalo ng cash prizes ay dalawa (2) kada lugar na pinagseserbisyuhan ng NEECO 1 (Jaen, Cabiao, San Isidro, San Antonio, Gapan A, Gapan B.)

>>> MAJOR PRIZE:

Anim (6) na brand new tricycle

Ang pipiliing mga mananalo ng tricyle ay isa (1) kada lugar na pinagseserbisyuhan ng NEECO 1 (Jaen, Cabiao, San Isidro, San Antonio, Gapan A, Gapan B.)

TANDAAN: Para sa mga mananalo ng tricycle, kinakailangan na masagot ang tawag ng NEECO 1 sa mobile number na irerehistro para ito ay maging valid. Muli po ay magkita-kita po tayo online sa Setyembre 30, 2021 (Huwebes) ng 8:00 ng umaga at huwag kalimutan na i-like at share ang post na ito.

 

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs