News and Events

Tamang Paraan ng Pagpaparehistro sa Idadaos na Virtual State of NEECO 1 Address (SONA) sa Setyembre 30, 2021

Tayo na pong magpatala, makilahok, at manalo sa idadaos na virtual State of NEECO 1 Address (SONA.)
Huwag po tayo na malito sa paraan ng pagpaparehistro para sa darating na SONA 2021 ng NEECO 1.
 
Narito ang tamang paraan ng pagpaparehistro:
 
  1. Abangan ang petsa na Setyembre 30, 2021 at hintayin magsimula ang Facebook live ng NEECO 1 sa Facebook page nito na https://www.facebook.com/neeco1official sa ganap na 8:00 ng umaga.
  2. Sa nasabing FB live ay abangan ang ibibigay na registration code ng mga hosts.
  3. I-like ang opisyal na NEECO 1 Facebook page kung hindi pa ito nai-like.
  4. Matapos i-like ang NEECO 1 FB page, mag-message sa pamamagitan ng pag-click sa message button at i-type ang registration code na ibibigay sa nabanggit na araw (Setyembre 30, 2021.)
  5. Siguraduhin na tama ang spelling o pagkakabaybay ng ise-send na registration code.
  6. Makakatanggap ng pasasalamat sa NEECO 1 kapag tama ang registration code na inenter.
  7. Sumunod na i-enter ang 10 digit account number para sa serbisyo ng kuryente na binabayaran sa NEECO 1. Tandaan na dapat siguraduhin na tama ang ise-send na 10 digit account number na makikita sa itaas na bahagi ng inyong NEECO 1 statement of account o electric bill.
  8. Sumunod na i-enter ang inyong cell phone number na maaaring matawagan. Tandaan na para sa mga mananalo ng tricycle, kinakailangan na masagot ang tawag ng NEECO 1 sa mobile number na irerehistro para ito ay maging valid kaya dapat na tama at matatawagan ang numero na ibibigay.
  9. Makakatanggap ng confirmation sa NEECO 1 na naging succesful o maayos ang inyong registration.
  10. Kapag nakapagparehistro na ay manatiling nakatutok at makilahok sa pag-uulat tungkol sa estado ng kooperatiba.
 
Pakatandaan na ang mga sumusunod ay maling pamamaraan ng pagpaparehistro:
 
  • I-type sa comments section ng mga FB posts tungkol sa SONA 2021 ang inyong pangalan, address, account number, at mobile number.
  • Pag-message ng pangalan, address, account number, at mobile number nag wala pang Setyembre 30, 2021.
 
Muli po ay sundin natin ang tamang paraan para sigurado ang ating pagpaparehistro para lahat tayo ay makasama sa pakikilahok at magkaroon pagkakataong manalo ng pa-premyo. #neeco1sona2021
 
 
 
 
 
 
 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs