News and Events

📢📢 𝗜𝗡𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗘𝗗𝗨𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗔𝗡𝗗 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗨𝗡𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 (𝗜𝗘𝗖) 𝗨𝗣𝗗𝗔𝗧𝗘 📢📢

𝟕 𝐏𝐞𝐛𝐫𝐞𝐫𝐨 𝟐𝟎𝟐𝟐
𝐂𝐚𝐛𝐢𝐚𝐨, 𝐉𝐚𝐞𝐧, 𝐒𝐚𝐧 𝐈𝐬𝐢𝐝𝐫𝐨 | 𝐍𝐮𝐞𝐯𝐚 𝐄𝐜𝐢𝐣𝐚
 
Masigasig na pinagtulungan ng mga kawani ng NEECO 1 mula sa iba't ibang departamento nito kabilang ang Corporate Planning, Energy Trading, and Information Technology Department, Member Services Division, Cooperative Communications and Social Marketing Office, Technical Services Department, at Area Office Department ang pagdalo sa mga regular na sesyon ng Sangguniang Bayan sa Cabiao, Jaen, San Isidro at sesyon ng mga Lupon ng mga Barangay sa Cabiao.
 
Malaki ang pasasalamat ng NEECO 1 sa pagpapaunlak ng mga nabanggit na LGU sa kahilingan nito na makadalo at makapagdaos ng IEC sa pagpupulong ng mga ito at maipaliwanag ng maayos ang napapanahong usapain ng pagbabago sa halaga ng kuryente.
 
Sa mga isinagawang IEC ay natalakay ang iba't ibang bahagi ng energy sector, unbundling of rates, mga napapanahong isyu na nakakaapekto sa pagbabago ng halaga ng kuryente at iba pang mahahalagang programa.
Naging daan din ang IEC para sa open feedback mechanism at mas maayos na pagpaparating ng mga suhestiyon at agarang pagtugon sa mga katanungan ng mga lider ng pamayanan na kumakatawan sa mga residente. Sa ganitong paraan, mas napapatatag ang ugnayan ng NEECO 1 at mga member-consumer-owners.
 
Sa kasalukuyan ay nakikipag ugnayan pa din ang NEECO 1 para sa mga susunod na mga LGU na dadalawin nito at pagdadausan ng pagbibigay-aral.
 
 
 
 
 
 
 
 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs