News and Events

KATATAGAN SA SAKUNA, DAPAT NA PAGSUMIKAPAN NG SAMA-SAMA

Nakikiisa ang NEECO 1 kasama ang lahat ng electric cooperatives sa pangunguna ng National Electrification Administration sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa adbokasiya ng "disaster resilience" o katatagan sa sakuna.

Ang buwan ng Hulyo ay itinalagang National Disaster Month sa pangunguna ng National Disaster Risk Reducation Management Council (NDDRMC) sa ilalim ng Office of Civil Defense (OCD). Gugunitain ito magmula Hulyo 1 hanggang 29, 2022 na mayroong temang 'Sambayanang Pilipino, nagkakaisa tungo sa katatagan at maunlad na kinabukasan.' na nagsusulong ng pagkakaisa sa pagharap sa sakuna tungo sa kaunlaran.

Upang lalong maipalaganap ang impormasyon tungkol sa adbokasiyang ito, naglunsad din ang NDDRMC ng mga patimpalak na sumusunod:

1. Music Composition Contest para sa Disaster Resilience
2. Disaster Resilience Video Contest
3. Disaster Resilience Tagline Contest

Para sa detalye ng kompetisyon, puntahan lamang ng Google drive link na ito: 👇👇👇

https://drive.google.com/drive/folders/1T0JcC24M2TnR-KuOZrgddCayx5wweHuT?fbclid=IwAR3JCMUH3Y2MwbriqQrMUCI1QVCs3ZpZ9qYVgU-fUPW_vN_I-kTkbH73cy8

---

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs