News and Events

NEECO 1@50: Lighting up the Society | Painting, Photo Journalism and Essay- Writing Contest

Narito ang ilang mga kuha ng mga isinagawang on-the-spot contests kahapon, Nobyembre 15, 2023 na dinaluhan ng mga senior high at college students pati na rin ilang member-consumers para ipakita ang kanilang talento at pagiging malikhain sa larangan ng Painting, Photo Journalism, at Essay-Writing.

Sa pamumuno ng NEECO 1 Board of Directors, ay naging matagumpay ang ginanap na on-the-spot contests na pinangunahan ng Institutional Services Department bilang bahagi ng mga aktibidad para sa pagdiriwang ng nalalapit na ika-50 taong anibersaryo ng NEECO 1.

Nagpapasalamat ang NEECO 1 sa mga member-consumers na nakilahok pati na rin sa mga nakipagtulungang personalidad na gumanap bilang mga hurado ng naturang gawain.

Makikita sa mga larawan sina Dr. Ma. Teresita Vega, Ms. Sarah Del Rosario, at Sharmaine Leis Villadiego bilang mga hurado sa Painting Contest. Narito rin sina Mr. Omar Lustre, Mr. Darius Florentino at Mr. Jayson Matias bilang hurado sa Photo Journalism. Panghuli, nagsilbing hurado naman sa Essay-writing contest sina Dr. Albert Bulawat, Mr. Joel Cruz at Dr. Cristian Gregor Atacador.

 

 

 

 

 

\\

 

 

 

 

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs