News and Events

Member-Consumer-Owners Organization (MCOO) Assembly and Election of Officers | Cabiao District

Nagsagawa ng Member-Consumer-Owners (MCO) Assembly kahapon, May 27, 2024 sa NEECO I Cabiao District Office na pinangunahan ni Board of Director, Rodelio Toledo para makipagpulong sa mga MCO Officers ng bawat barangay sa bayan ng Cabiao.
 
Tinalakay sa MCO Assembly ang mga tungkulin at gampanin ng bawat miyembro ng organisasyon para sa layuning makatulong sa ating mga kasamahan sa barangay na pawang mga konsyumers din ng kooperatiba.
 
Sa assembly na ito ay nagsagawa rin ng eleksyon upang magkaroon ng mga tatayong opisyales ng MCOO-Cabiao na naglalayong mapagtibay ang kooperasyon ng bawat mco officers.
 
Ang mga sumusunod ay ang mga inihalal na lider ng MCOO-Cabiao:
 
1. Chairman - Laniel Basco (from San Fernando Sur)
2. Vice Chairman - Florentino Dayao (from San Fernando Norte)
3. Secretary - Michelle Salazar (from Natividad South)
4. Treasurer - Abraham Aniciete (from Bagong Buhay)
 
 
 
 
 
 
 
 
 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs