TINGNAN: Sta. Cruz, Gapan; Patuloy ang pagpunta ng NEECO 1 sa mga Member-Consumer-Owners Organization (MCOO) sa bawat barangay upang mabigyan ang mga ito ng pag-uulat tungkol sa kasalukuyang estado ng NEECO 1.
Sa harapan ay pinag-usapan din ang "download service", isang gawain na pinagtutulungan ng NEECO 1 at ng MCOO kada barangay upang maiayos ang talaan ng mga miyembro o "membership masterlist" kung saan may pagkakataong kumita ang mga miyembro ng MCOO sa serbisyo nito.
Sinisiguro naman ng mga kawani ng NEECO 1 at ng MCOO na ang pagpupulong ay isinasagawa ng may pagtupad sa alituntunin ng IATF para sa safety protocols sa gitna ng pandemya.