*Dumalo sa Pag-Aaral
Dumalo ng Pre-Membership Seminar na ginaganap tuwing Miyerkules, Huwebes at Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa NEECO 1 Main Office, Brgy. Malapit, San Isidro, Nueva Ecija.
*Requirements
- isang pirasong litrato na may sukat na 2x2 para sa magpapakabit ng kuntador at isang piraso para sa asawa kung mayroon man
- Barangay clearance
- Xerox ng proof of ownership o katibayan ng pagmamay-ari ng lupa
*Additional Requirements:
Ito ay mga requirements ng lokal na pamahalaan o Local Government Units (LGUs) na dagdag na kailangang kuhanin ng mga magpapakabit ng kuntador sa bisa ng ordinansa:
Cabiao - building permit, fire clearance
Jaen - building permit, fire clearance
San Antonio - building permit, fire clearance
San Isidro - building permit, fire clearance
Gapan City - building permit
*Ano ang "proof of ownership?"
Ito ay katunayan na ang magpapakabit ng kuntador ang siyang may-ari ng lupa kung nasaan ang tinitirahan nito. Maaari itong titulo ng lupa o kasulatan ng paglilipat ng pagmamay-ari ng lupa.
Kung wala nito, maaaring gumawa ng kasunduan na pinatutunayan ng may-ari na naninirahan sa lupa niya ang magpapakabit ng kuntador at kapwa silang magiging responsable sa mga obligasyon bilang miyembro-konsyumer ng NEECO 1. Ang kasulatan ay kailangang lagdaan ng Punong Barangay bilang pagpapatunay at saksi sa kasunduan.