Kaugnay ng ating naunang anunsiyo, ang pagbabago sa halaga ng kuryente para sa buwan ng Pebrero 2022 ay sanhi ng mataas na halaga ng GENERATION CHARGE na bunsod ng pagtaas ng presyo ng coal na ginagamit ng ating power supplier na GN Power sa paglikha ng kuryente na ating binibili rito. Sa kabuuan ay halos nasa 50% ng supply ng kuryente sa buong bansa ang ginagamitan ng coal.
Ang generation charge na sinisingil sa atin ng ating power supplier na GN Power ay isang uri ng pass-on charge na nagbabagu-bago ang halaga kada buwan. Bilang pass-on charge, tagasingil lamang ang NEECO 1 nito sa mga konsyumer ngunit hindi ito sa NEECO 1 napupunta.
Samantala, nanatili namang hindi nagtataas ang distribution, supply, at metering charges na napupunta sa NEECO 1 sa loob ng halos dalawang dekada.