News and Events

❤️❤️❤️ "𝐒𝐀𝐋𝐈 𝐍𝐀, 𝐒𝐀𝐋𝐈𝐍-𝐃𝐔𝐆𝐎 𝐍𝐀!" ❤️❤️❤️

Dahil ngayon ay "Love Month," ipagpatuloy natin and pagbibigay ng pagmamahal at aruga sa pamamagitan ng Salin-Dugo Bloodletting Activity na pagtatambalan ng NEECO 1 at Philippine National Red Cross na idadaos sa darating na Pebrero 11, 2022 at gaganapin sa NEECO 1 Multi-Purpose Hall , Brgy. Malapit, San Isidro, Nueva Ecija.

Ang bloodletting activity ay bukas para sa lahat ng mga member-consumer-owners na nais magbigay ng kanilang dugo.

Para sa mga interesadong donors:

*Kinakailangan na:

1. May malusog na pangangatawan at maayos na kalusugan
2. 17 taong gulang pataas.
3. May timbang na 110 pounds pataas.
4. Kailangang pumasa sa pagsusuri ng mga nakatalagang tauhan ng Philippine National Red Cross.

* Mga alituntunin sa pagkain at pag-inom ng gamot Bago mag donate;

1. Matulog ng sapat.
2. Kumain ng masustansiyang pagkain bago mag-donate.
3. Iwasan ang matatabang pagkain na maaaring makaapekto sa pag-tsek ng anumang sakit.
4. Uminom ng karagdagang 16 ounces ng tubig bago magpakuha ng dugo.

Pagtupad sa health protocols bilang pag-iingat sa COVID-19

1. Alinsunod sa IATF, lahat ay dapat magsuot ng face mask.
2. Mahigpit na susundin ang hand hygiene at social distancing.
3. Itse-tsek ang temperatura ng sinumang lalahok bago makapasok sa tanggapan ng NEECO 1.

Lahat ng mga magiging donors ay magkakaroon ng isang raffle entry upang manalo sa pa-raffle pagkatapos ng bloodletting activity kung saan maaaring magkamit ng appliances at grocery items.

 

 

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs