Senior Citizen Discount (5% Discount para sa mga electric bills na may konsumong 100 Kwh pababa)
Para sa mga nais mag-apply ng Senior Citizen Discount, i-submit sa NEECO 1 Main Office ang mga sumusunod:
- Photocopy ng Senior Citizen ID
- Barangay clearance
- Electric bill na nakapangalan sa nagpaparehistrong Senior Citizen
PAALALA :
Taunan po ang pag ri-renew ng Senior Citizen Discount, kaya pinapayuhan po na mag-register muli ang mga nag-apply noong nakaraang taon.
Kung ipapaayos po ang ang application sa representative, kinakailangan ang mga sumusunod :
- Valid ID ng representative
- Authorization letter mula sa Senior Citizen
*Ito po ay sang-ayon sa Republic Act 9994 o "Expanded Senior Citizens Act of 2010"