News and Events

PALIWANAG MULA SA NEECO 1: PAGHAHAMBING NG HALAGA NG KURYENTE NG NEECO 1 SA IBANG DISTRIBUTION UTILITIES (DUs)

Laganap ngayon sa social media ang paghahambing ng mga netizens ng halaga ng kuryente ng NEECO 1 sa ibang distribution utilities. Bagamat ito ay karapatan ng bawat isa, hayaan ninyo pong makapagbigay ng impormasyon ang NEECO 1 sa paksang ito na makakatulong sa pagbuo ng ating mga opinion.

Kung ihahambing ang halaga ng kuryente ng NEECO 1 sa ibang mga distribution utilities, hindi talaga magiging magkapareho ito sapagkat magkakaiba ang power supplier ng mga ito at mga kaakibat na kontrata. Dagdag pa rito, magkakaiba rin ang mga kumpanya na lumahok sa panahon na isinagawa ang bidding procedure para sa power supply contract ng mga ito.
Makakaasa naman ang mga member-consumer-owners na patuloy ang negosasyon sa pagitan ng NEECO 1 at GN Power upang maibsan ang suliranin na ating pinagdadaanan bunsod ng mga aspeto sa ating lipunan na nagiging sanhi ng pagtaas ng ating mga pangunahing pangangailangan kabilang na ang kuryente.

Para sa mas detalyadong paliwanag hinggil sa paksang ito, hinihikayat po namin ang mga netizens na mag-message sa NEECO 1 official Facebook page na @neeco1official na mayroong blue check at mayroong halos 91,300 na bilang ng followers.

Muli po ay hinihiling ng NEECO 1 sa aming mga minamahal na konsyumer ang karagdanag pag-unawa. Gayundin, ang NEECO 1 ay nagpapaalala tungkol sa responsableng pagpapahayag at pagbabahagi ng tamang impormasyon sa social media. Maraming salamat po.

 

 

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs