News and Events

01 August 2022 Linemen Appreciation Day

#2022LAD

Muling idinadaos ng NEECO 1 ngayong unang araw ng Agosto kasama ang lahat ng 121 na electric cooperatives ang 𝐋𝐢𝐧𝐞𝐦𝐞𝐧 𝐀𝐩𝐩𝐫𝐞𝐜𝐢𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐃𝐚𝐲 (𝐋𝐀𝐃) bilang pagkilala sa katatagan at kasipagan ng mga sundalo ng pailaw sa pagtupad ng mahalagang tungkulin ng pagpapanatili ng liwanag sa ating komunidad lalo na sa panahon ng pandemya at iba pang sakuna.
Sa ikatlong taon ng pagdirwang ay muling tinipon ang lahat ng linemen ng mga electric cooperatives sa bansa sa pamamagitan ng virtual ceremony at seminar na pinangunahan ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association.

Ang LAD ay isa lamang sa maraming mga inisiyatibo ng mga kooperatibang pang-elektrisidad upang iangat ang moral ng mga manggagawa ng pailaw at ipalaganap ang adbokasiya ng pag-iilaw sa kanayunan para sa pagdiriwang na din ng National Electrification Awareness sa buwang ito.

#2022LAD

 

 

 

 

 

 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs