𝐆𝐄𝐍𝐄𝐑𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄 + 𝐕𝐀𝐋𝐔𝐄-𝐀𝐃𝐃𝐄𝐃 𝐓𝐀𝐗 (𝐕𝐀𝐓)
> > Ito ang may pinakamalaking impluwensya sa pagtaas o pagbaba ng singil sa kuryente dahil apektado ito ng presyo ng coal o krudo sa pandaigdigang merkado, takbo ng ekonomiya ng bansa , presyo ng kalakalan sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na karaniwang nakadepende sa maintenance o pag-shutdown ng mga planta ng kuryente. Sa power supplier na GNPower ito napupunta at hindi sa NEECO 1.
>> Ito ang ating binabayaran sa power supplier na GN Power para sa ating kuryente.
>> Binubuo nito ang 72.34% ng bayarin
𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐒𝐘𝐒𝐓𝐄𝐌 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄
> > Ito ang sinisingil sa atin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) para sa paggamit ng kanilang transmission lines na maihahalintulad sa isang express way kung saan dadaan o tatawid ang kuryenteng nalikha mula sa power generating plant ng ating power supplier na GNPower papunta sa distribution lines ng NEECO 1 na ihahatid naman sa mga tahanan.
>> Ito ay sinisingil sa atin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
>> Binubuo nito ang 5.37% ng ating electric bill.
𝐒𝐘𝐒𝐓𝐄𝐌 𝐋𝐎𝐒𝐒 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄
> > Ito ang ipinapasang singil sa konsyumer para sa nawawalang kuryente na maaaring ang sanhi ay teknikal, gawa ng tao, at iba pa. Sa kasalukuyan, ang Energy Regulatory Commission (ERC) ay nagpapahintulot sa ilang mga kooperatibang pang-kuryente tulad ng NEECO 1 na ipasa ang hanggang 10.25% ng systems loss sa mga konsyumer nito. Anumang porsyento na tataas sa 10.25% ay babalikatin ng NEECO 1.
>> Ito ang ipinapasang singil para sa nawawalang kuryente sa mga konsyumer at sa NEECO 1.
>> Bumubuo sa 7.30% ng ating bayarin.
𝐃𝐈𝐒𝐓𝐑𝐈𝐁𝐔𝐓𝐈𝐎𝐍, 𝐒𝐔𝐏𝐏𝐋𝐘, & 𝐌𝐄𝐓𝐄𝐑𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄
> > Ito ang tanging bahagi ng electric bill na napupunta sa NEECO 1 para sa paghahatid, pagpapanatili, at pagsasaayos ng anumang sira sa kuryente at iba pang pangunahing aspeto ng operasyon. Kasama din dito ang reinvestment fund for sustainable capital expenditures o RFSC na ginagamit ng kooperatiba para sa pagpapagawa ng mga proyekto.
>> Ito ang tanging bahagi ng electric bill na napupunta sa NEECO 1 para sa serbisyo nito.
>> Bumubuo sa 11.62% ng ating kabuuang bayarin.
𝐆𝐎𝐕𝐄𝐑𝐍𝐌𝐄𝐍𝐓 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄𝐒
> > Sa bayaring ito kinukuha ang pangtustos sa mga subsidiya kagaya ng lifeline rate subsidy para sa mga nasa laylayan ng lipunan na kumokonsumo lamang ng 15 kWh sa isang buwan gayundin, ang 5 % na senior citizen discount para sa mga kumokonsumo ng 100 KWh pababa, at ang ang mga karagdagang singil sa lahat ng konsyumer alinsunod sa ligal na itinakdang utos at resolusyon na direktang ibabayad ng NEECO 1 sa Power Sector Assets and Liabilities (PSALM) at TRANSCO.
>> Ito ay para sa mga subsidiya at iba pang sinisingil sa atin ng gobyerno.
>> Bumubuo sa 0.12% ng ating kabuuang bayarin.
𝐕𝐀𝐋𝐔𝐄-𝐀𝐃𝐃𝐄𝐃 𝐓𝐀𝐗 (𝐕𝐀𝐓) 𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀 𝐒𝐘𝐒𝐓𝐄𝐌 𝐋𝐎𝐒𝐒 𝐀𝐓 𝐓𝐑𝐀𝐍𝐒𝐌𝐈𝐒𝐒𝐈𝐎𝐍 𝐂𝐇𝐀𝐑𝐆𝐄𝐒
>> Kaukulang buwis na ipinapataw para sa systems loss at transmission charges.
>> Binabayarang buwis sa gobyerno alinsunod sa batas.
>> Bumubuo sa 1.43% ng ating kabuuang bayarin.