News and Events

Salin-Dugo Bloodletting Activity | February 17, 2023

Magkakaroon ng Salin-Dugo Bloodletting Activity ang NEECO 1 katuwang ang Philippine National Red Cross sa darating na February 17, 2023 (7:00AM - 4:00PM), at gaganapin sa NEECO 1 Multi-Purpose Hall, Brgy. Malapit, San Isidro, Nueva Ecija
 
Ang bloodletting activity ay bukas para sa lahat ng mga member-consumer-owners na nais magbigay ng kanilang dugo.
 
Para sa mga intersadong donors:
 
*Kinakailangan na:
 
1. May malusog na pangangatawan at maayos na kalusugan
2. 17 taong gulang pataas.
3. May timbang na 110 pounds pataas.
4. Kailangang pumasa sa pagsusuri ng mga nakatalagang tauhan ng Philippine National Red Cross.
* Mga alituntunin sa pagkain at pag-inom ng gamot bago mag donate;
1. Matulog ng sapat.
2. Kumain ng masustansiyang pagkain bago mnag-donate.
3. Iwasan ang matatabang pagkain na maaaring makaapekto sa pag-tsek ng anumang sakit.
4. Uminom ng karagdagang 16 ounces ng tubig bago magpakuha ng dugo.
 
 
 
 
𝘋𝘰𝘯𝘢𝘵𝘦 𝘉𝘭𝘰𝘰𝘥, 𝘚𝘢𝘷𝘦 𝘓𝘪𝘷𝘦𝘴!
 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs