๐๐๐๐๐๐: ๐ ๐ด 11552 - ๐ด๐ ๐ด๐ถ๐ ๐ธ๐๐๐ธ๐๐ท๐ผ๐๐บ ๐ด๐๐ท ๐ธ๐๐ป๐ด๐๐ถ๐ผ๐๐บ ๐๐ป๐ธ ๐ผ๐๐๐ฟ๐ธ๐๐ธ๐๐๐ด๐๐ผ๐๐ ๐๐น ๐๐ป๐ธ ๐ฟ๐ผ๐น๐ธ๐ฟ๐ผ๐๐ธ ๐ ๐ด๐๐ธ, ๐ด๐๐ธ๐๐ท๐ผ๐๐บ ๐น๐๐ ๐๐ป๐ธ ๐๐๐ ๐๐๐๐ธ ๐๐ธ๐ถ๐๐ผ๐๐ 73 ๐๐น ๐ ๐ธ๐๐๐ต๐ฟ๐ผ๐ถ ๐ด๐ถ๐ ๐๐. 9136, ๐๐๐ป๐ธ๐ ๐๐ผ๐๐ธ ๐พ๐๐๐๐ ๐ด๐ ๐๐ป๐ธ โ๐ธ๐ฟ๐ธ๐ถ๐๐ ๐ผ๐ถ ๐๐๐๐ธ๐ ๐ผ๐๐ท๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐ธ๐น๐๐ ๐ ๐ด๐ถ๐ ๐๐น 2001,โ ๐ด๐ ๐ด๐๐ธ๐๐ท๐ธ๐ท ๐ต๐ ๐ ๐ธ๐๐๐ต๐ฟ๐ผ๐ถ ๐ด๐ถ๐ ๐๐.10150
๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ณ๐ฒ๐น๐ถ๐ป๐ฒ ๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฝ๐ถ๐๐๐ผ ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ-๐ฐ๐ผ๐ป๐๐๐บ๐ฒ๐ฟ-๐ผ๐๐ป๐ฒ๐ฟ๐?
Ayon sa RA 9136, Section 73, ang mekanismo ng lifeline rate ay naglalayon na nagbigay ng agapay para sa mga member-consumer-owners na mas nangangailangan sa buhay o iyong kasama sa โpoverty line, tulad ng mga miyembro ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program, o mga mamamayang itinalaga ng Philippine Statistics Authority (PSA) na hindi sapat ang kinikita (indigent). Para sa patas na pamamahagi ng lifeline subsidy, ang Energy Regulatory Commission ang siyang namamahala sa pagbibigay ng diskwento sa mga lifeline raters nang naaayon sa konsumo ng kuryenteng ginagamit ng mga ito.
๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ณ๐ฒ๐น๐ถ๐ป๐ฒ ๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ ๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฒ๐ป๐ฒ๐ฝ๐ถ๐๐๐ผ ๐ป๐ถ๐๐ผ ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐บ๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ-๐ฐ๐ผ๐ป๐๐๐บ๐ฒ๐ฟ-๐ผ๐๐ป๐ฒ๐ฟ๐?
โข Mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na kumokonsumo ng kuryenteng napapaloob sa itinakdang Lifeline Rate ng ERC para sa NEECO I.
โข Mga mamamayan na hindi sumasapat o hindi kalakihan ang kinikita nang naaayon sa itinakda ng Philippine Statistics Authority.
โข Ang kwalipikadong konsyumer para sa lifeline rate ay maaari lamang mag-rehistro ng isang meter account sa NEECO I na nakapangalan sa kaniya.
๐ ๐ฎ๐ต๐ฎ๐น๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ฎ๐ป:
Kung hindi nakapangalan sa mismong aplikante ng lifeline subsidy ang pagmamay-ari ng kuryente, o kaya ay naninirahan lamang sa kamag-anak, o nangungupahan lamang; maaaring magsumite ito ng kahit na anong valid na government-issued ID o barangay certificate bilang pagpapatunay.
๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฟ๐ฒ๐พ๐๐ถ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ฒ๐ป๐๐ ๐ผ ๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ด ๐ฎ-๐ฎ๐ฝ๐ฝ๐น๐ ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐ด๐ถ๐ป๐ด ๐ธ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ถ ๐ป๐ด ๐น๐ถ๐ณ๐ฒ๐น๐ถ๐ป๐ฒ ๐ฟ๐ฎ๐๐ฒ ๐๐๐ฏ๐๐ถ๐ฑ๐?
๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฆ๐๐๐๐๐ ๐๐ 4๐๐:
- application form
- pinakabagong electric bill o statement of account
- valid government ID na nagtatala ng pirma at address ng miyembro
๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐ฆ๐ข๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐ ๐ก๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐โ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ก๐๐ก๐๐ ๐ก๐๐๐ ๐ด๐ข๐กโ๐๐๐๐ก๐ฆ:
- certification o katunayan mula sa lokal na Social Welfare Development Office
- application form
- pinakabagong electric bill o statement of account
- valid government ID na nagtatala ng pirma at address ng miyembro
๐๐๐๐๐ก๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ข๐๐ขโ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ค๐๐๐ก๐ ๐๐๐ ๐ ๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐ข๐๐:
0 kwh - 15kwh = 30% discount
16 kwh - 20kwh = 20% discount
21 kwh - 25kwh = 10% discount
26 kwh - 30kwh = 5% discount
๐๐๐๐๐๐๐ก๐ฆ ๐ ๐๐๐ ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ง๐๐ ๐๐๐ ๐ข๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ก๐:
Ang marginalized end user ay valid hanggang tatlong taon, ito ay maaaring i-renew dalawang buwan bago ang expiration ng Certification of Lifeline Coverage. Samantala, ang 4Ps beneficiaries ay valid hanggang sa period na nakalagay sa Certified List na mangangaling sa DSWD.
Maaari naman magsagawa ang NEECO I ng validation anumang oras upang masiguro na nananatiling eligible ang mga kwalipikadong marginalized end-users sa lifeline rate.
๐๐ง๐จ ๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ญ ๐ ๐๐ฐ๐ข๐ง?
Kapag kumpleto na ang requirements, magtungo lamang sa Punong Tanggapan ng NEECO 1 sa Malapit, San Isidro, Nueva Ecija at magtungo sa Member Services Division ng Institutional Services Department.
ย