News and Events

Itutuloy pong muli sa September 14, 2020 ang Disconnection Policy o pagputol sa serbisyo ng kuryente para sa mga lagpas due date nang electric bills.

Nais ipaalala ng NEECO1 na walang interest para sa mga bayaring may due date na August 17 - 28, ngunit hanggang September 14 lang din po ang palugit para sa mga bayaring ito.

Nais pong ipaalam ng pamunuan ng NEECO1 na dahil sa pagbabago ng billing period para sa ilang lugar na nasasakupan nito, magkakaroon din ng paggalaw sa reading schedule kasabay ng paghaba ng billing period sa ibang bayan at barangay para sa konsumo ng kuryente ngayong buwan ng Agosto.

Ipinapabatid po ng pamunuan ng NEECO 1 na simula August 31 hanggang September 2, 2020 ay muli po babalik ang meter reading sa mga lugar na hindi pa nabasa ang nakonsumong kuryente sa takdang oras para sa buwan ng Hulyo, dahil sa pansamantalang paghinto ng operasyon ng NEECO1 simula noong Agosto 17,2020 dahil sa pandemyang Covid-19.
 

ANNOUNCEMENTS

Power Outlook

Save Energy!

Featured Videos

FAQs